Day 86: Pagpaparamdam

wow. last post 25 March. kung inaamag talaga ang blog isa ang mga blogs ko ang malamang ang aani ng AMAG NA AMAG AWARD! muntik na kong umabot ng 3 months na walang sinulat? hehe. kasalanan ito ng IT namin na MANAGER na daw ngayon ng isa sa mga subsidiary namin. kalain mo yun?! tinanggalan nya ko ng intarnet. tapos-tapos nung nakaraang araw dinidiscuss sakin ang pagoopen ng separate email accounts for job hirings, heller, wala nga ako intarnet eeehhh...at nung ipamuka ko sa kanya yun, ayun napailing lang. hehe. problem, my friend! anong pakana kasi at tinangalan ako ng intarnet...hmf!

31 days to go. nasa pinas na ulit ako (sana). naka-schedule ang bakasyon, excited na since march. OA na sa pagcount down tapos mukang hindi naman matutuloy. o matuloy man parang di naman mashadong mageenjoy! i hetchu complications! hehe. bat ba di na lang maging simple ang mga proseso ng bagay bagay sa mundo.

bakit hindi na lang black or white. bat nauso pa yung fusha? fuschia? futcha!

anyways, its good to be back. nabibisita ko na ulit ang tumblr paminsan-minsan. at syempre di ako nagrereblog. panay lang pindot ng heart haha. kasi tinatamad pa rin ako. FB lang ang madalas ko bisitahin pag sinipag at email ko kasi baka sakali may totoong magsesend na sakin ng pera maliban sa mga lintek na spam na nanalo daw ako ng billion of dollars mula sa kung anumang contest na di ko naman sinasalihan.

sa tingin nyo kelan ulit to masusundan? ay may nagbabasa pala ba?

 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting