Day 40: Rebounding in China (isang nobela)

matagal na rin mula ng huling ma-rebond ang aking buhok. kung hindi ako nagkakamali last June pa yung huli, bago ako nagbakasyon ulit sa Pinas. syempre naman kelangan bago ako umuwi ng Pinas...ang dating 5 kilo kong buhok ay dapat na magmukang 2 kilo na lang kasi nga ako ay nanggaling na sa abroad hahahaha. hay ewan ko kung saang lupalop natagpuan ng mga pinoy ang mentalidad na yan pero anyway aaminin ko na isa ako sa mga nageeffort talaga bago magbakasyon sa Pinas hihi..e kealam nyo ba..e sa gusto ko magmaganda paguwi ko e..hahaha

in any case, since matagal na nga mula nung huling rebond ng buhok ko naisipan kong magpunta sa salon ngayon (sa tulong na rin ng convincing power ng asawa ko). i used to go to Ricky's para sa aking paglulumandi pero this time naisipan ko puntahan yung Chinese salon na pinagpagawaan ni She (my sis in law) ng kanyang buhok last month. e kasi naman sa Ricky's although mababait ang staff at kasundo ko na ehhh may pagkamahal ang service fee..imagine inaabot ng $300 US ang rebonding ng buhok ko? hmf! samantalang sa Chinese salon na ito bukod sa mukang OK naman ang service nila, mas mura pang di hamak ang bayad sa 'REBOUNDING' (ganyan ang spelling nila dun sa salon bwehehe)..nasa $100 US lang! nakakatakot nga lang kasi nga Chinese ang gagawa hehe..di kaya piratahin nila ang buhok ko? hahahaha

medyo nahirapan din kami hanapin yun salon kasi sa Naif area sya located...ang Naif ay parang Divisoria pero buti na lang dati atang taxi driver ang asawa ko kaya mahusay mag-locate ng mga tagong lugar heheh..or teka...siguro sanay lang sa mga tagong lugar ang asawa ko kaya mahusay syang maghanap? hahahaha

so teka ayun nga napalayo na naman ako sa kwento ko. after almost an hour natagpuan din naman namin ang espesyal na salon na nasa loob pala ng Chinese Shoe City building. at dahil engot ako so medyo nawindang pa daw ako kung nasaan ang 1st Floor ng building na pinasok ko hahaa..pero ayun nga natagpuan ko naman sya at tumambad sa akin ang isang maliit at masasabi kong medyo may kasikipan at disorganized na salon hihi..lalo pang nagpasikip ay ang dami ng mga Pinay na nagpapaayos ng buhok. in fairness, ngayon ay Tuesday, may pasok ang mga tao, pero kung bakit marami pa rin ang tao sa salon?! narinig ko pa nga yung isang pinay sabi sa kasama nya, sinabi daw nya sa ofis she's not feeling well hahaha..funny! she's not feeling well tapos papasok sya bukas na bagong 'rebound' ang hair? hahahaha

inasikaso naman agad ako ni Tina, ang chekwang staff na na-assign sakin. she asked me kung may oil daw ang hair ko at sinabi kong wala..pero based sa kanyang facial expression hindi sya naniwala hahaha..di ko alam pero feeling nya ata talaga may oil ang hair ko hahaha..so does that mean, oily ang hair ko at di ko lang alam?! waaaaaa...anyways, so shinampoo nya ang hair ko at nilagyan ng gamot...oh FYI in between sa pag-aapply nya ng gamot, parang yamot na yamot sya at makapal daw ang buhok ko hahaha...sabi nya...TOO MUCH HAIR...waaaaaaaaaaaa..kasalanan ko bang isa ako sa mga mapapalad na biniyayaan ni Lord ng malulusog na..BUHOK?! hehehe

matapos ang 2 oras na pagbabad ng gamot sa buhok ko...tsinek na ni Tina kung luto na ang aking pagkapal-kapal na buhok...at alam nyo ba kung anong nangyari?! biglang nagtaas ng boses si Tina sa kasama nya at akala ko kung anong nangyari pero dahil Cantonese ang salita nila binasa ko na lang ang facial expressions nila..sa pakiwari ko ang mahiwagang oil sa hair ko ay di pa rin natatanggal at di kumapit ang gamot sa buhok ko bwahahahha...at mukang tama nga ako so i tried to explain that i NEVER as in NEVER used any oil kahit cooking oil pa sa buhok ko pero may COMMUNICATION GAP kami ni Tina hahaha..di sya or sila makasalita ng straight english so nagpaka-engot na lang din ako at sinabi kong.."NOT OIL, MAYBE CONDITIONER'..parang naunawaan nya naman ako kasi tumingin sya sakin pero bigla nya ulit ako inaya sa sink at 'WASH, WASH' daw hahaha..muli nyang winash ang aking hair at feeling ko eh binabatukan nya na ko sa pagshashampoo nya ng buhok ko hahaha..

muka namang nadale na ni Tina ang buhok ko at matapos ang isang oras ay nakangiti na syang tsinetsek ang aking buhok. pero biglang sumimangot ulit si Tina ng paplantsahin nya na ang buhok ko at pinaparte-parte nya na..dun pa lang yata nag-sink in talaga kay Tina ang weight ng buhok ko kaya nagsabi-sabi na naman sya in Cantonese..pero imbes mabuset ako kasi alam kong ako ang topic nila ng isang staff. tumawa na lang ako ng bonggang-bongga..kung makakausap ko lang ng matino si Tina at wala kaming communication gap sasabihin ko sa kanyang "PAGSUBOK LAMANG ITO TINA. MALAY MO MAPROMOTE KA KAPAG NATUWID MO NG BONGGANG-BONGGA ANG BUHOK KO" hahahahahah...

at kung hindi ba naman talaga pasaway tong si Tina, lam nyo bang nagsaksak ng i-pong (pirated na ipod?! haha) sa tenga nya at sinabi sakin habang nakangisi na.."TOO MUCH HAIR!"..na para bang sinasabi nyang maiinip sya to the highest level kaya kelangan nya ng sounds bago pa sya makatulog sa pagplantsa ng buhok ko hahaa..inabutan nya pa nga ako ng 2 kendi na parang sigurado syang makakaubos ako ng 2 kendi bago nya matapos ang aking buhok hahahah..lecheng Tina oo..

at matapos ang 5 oras nagkatapos din kami ni Tina pero habang nagiintay ako sa pagkakaluto ng buhok ko ay marami akong bagay na napansin sa salon na napuntahan ko...nakakaaliw pero at the same time nakakatakot hahaha.

una, napansin ko sa kalagitnaan ng pag-aapply ng gamot sa buhok ko, na WELIA at hindi WELLA ang gamot na gamit nila...waaaaaaaaaaaa...pareho ng logo pero hindi orig na wella hahaa

pangalawa, naisip ko na di ko pwede dalin sa salon na yun si Neneng (ang nanny ng aking mga boys) kasi baka mapansin nya ang mga kalawang sa bawat upuan at biglang linisin hahaha...mashado kasi galit sa mikrobyo si Neneng hehe

pangatlo, parang magpapatayan ang mga chekwa sa salon habang naguusap..high pitch ang mga leche at buti na lang di ako nagkape ng umagang yun kung hindi baka nasugod pa ko sa ospital dahil sa nerbyos hahaha

pang-apat, at dahil nga medyo may communication gap kami ni Tina, kala ko magkakapulmunya ako bago pa matapos ang 'rebounding' e kasi naman siguro sa buset ni Tina at di nga makapitan ng gamot ang buhok ko wasyaker kung basang-basa na ang likod ko habang shina-shampoo ako hahaha..hindi ko masabi sa kanya sa paraang maiintindihan nya na basa na yun likod ko. kaya nung 2nd try namin bago pa nya simulan ang pagbanlaw sa aking buhok IMWENESTRA ko na sa kanya lagyan nya ko ng towel at basang-basa na ko hehehehe

pang-lima, at dahil nga magkakaron kayo ng COMMUNICATION GAP ng mga tao sa salon di mo ngayon alam kung naunawaan ba nila ang gusto mong mangyari. tulad na lang ng nangyari din kanina, sabi ko after 'rebounding', magpapagupit ako. tinuro ko pa yun style na gusto ko. sabi ni Tina..'yeah, yeah, after, after' tas tatawa tawa na parang sinasabing 'WAG KANG EXCITED!'. nung tapos nya na gawin ang buhok ko at niremind ko ang paggugupit. ayaw nya na ko gupitan kasi sayang daw hahaha..makarunungan pa sakin! pinilit ko pa syang gupitan ako at matapos nya kunin ang approval ng kasamahan nya saka nya lang ako ginupitan haha..kalain nyo yun?!

pang-anim, nakakaaliw na nakakatakot magpaservice sa kanila kasi ang mga ginagawa nila ay EYELASH PLANTATION, EYELASH SHAPING, IRONING CURLY, REBOUNDING at marami pang iba na di ko na maalala pero for sure nakakatuwa hehehehe...di ko na napicturan ang price list nila kasi nakakahiya naman na yun diba hahaha..pero kalain nyo gumagawa sila ng plantation ng eyelash?! haha...may isang kabayan nga pinatama pa yun mga term para daw maunawaan ng mga customers..instead daw EYELASH SHAPING gawin daw EYELASH PERMING kasi daw pag shaping it means like making circle, square, rectangle...hek hek hek..mega explain si ate sa salon! naniwala naman ang mga chekwa binago nila using pentel pen ang nakapaskil sa kanilang dingding na price list hahah!

pang-pito, nakakatakot isipin na pirated din ang mga gamot na ginagamit nila..tulad ng sinabi ko they are using WELIA (instead of WELLA), L'OREHL (instead of L'OREAL) at may mga iba pang di ko na matandaan pero am sure pirated kasi mga wrong spelling eh hehehehe..isipin nyo na lang ang side effect ng mga pirated na gamot? hak hak

at eto pang-finale, eto nakakaaliw..actually ang kanilang salon ay divided into 3 rooms at yung room na napwestuhan ko ay may salaming ganito:

[caption id="attachment_299" align="aligncenter" width="300" caption="mirror,mirror on the wall...ikaw nga ba ay mirror?!"]mirror,mirror on the wall...ikaw nga ba ay mirror?![/caption]



nung unang narealize ko na ang salamin pala ay isang BINTANA naaliw na agad ako kasi creative o resourceful ang mga chekwa pero mas naaliw pa ko ng biglang may isang staff na tumuntong sa bangko at binuksan ang mahiwagang salamin (o bintana?) para gawing pinto patungo sa kanilang sampayan hahahaha...sa sobrang aliw ko nga kinuhanan ko tuloy ng picture nung wala ng gaanong tao sa area na toh..wahahaha...kalain nyo na ang sampayan pala nila ay nasa kabilang side ng salamin na yun?!

ngayon sa napakahabang kwento ko na yan, ang ending masaya naman ako kasi nga tuwid na naman ang buhok ko hehehe..di ko lang alam kung after ko toh maliguan eh ganito pa rin kaganda o isa rin ako sa mga mamalasing magiging dayami ang buhok matapos pumatol sa mumurahing REBOUNDING?! hahahaha...eto na lang pag nakita nyo sa mga photos ko na nakasumbrero ako isa lang ibig sabihin nun..nasira ang buhok ko ng mga chekwang may mahiwagang salamin sa kanilang salon! nyahahahahah

Day 39: Labor of Love

i know..i know..matagal na kong wala sa sirkulasyon..in fact, mag-iisang bwan na nyahahahha..at narealize ko pala na magbobortdey na sa May 8 ang aking BLAG! akalain nyo yun, for the first time in my blogger's life..nakaabot ako ng 1 year sa isang blogsite at in fairness, aktibo akong tunay! hahhahah

anyways, one of the reasons kung bakit di ako agad nakapag-update is because of HIM:







yes, mga ka-BLAG i gave birth to a healthy, baby boy last 22nd of April @ 12:05pm. he weighs 3605 grams (about 7.9 lbs) and measures 52cm..hihihhihh...so for now, pahinga muna ako sa pagiging BLAGERA at ako eh isa munang ulirang ina..heheheh..

ikukuwento ko ang aking labor pains sa susunod na entry hihi :)
 

funny LITTLE thing called LIFE Copyright © 2011 Designed by Ipietoon Blogger Template and web hosting