wow antagal ko na di nagpunta dito ah. it is not because i am busy pero wala lang tinatamad lang talaga ako & to be honest i don't have anything to write . ganito naman lagi ako eh, 'gang sa simula lang, plus the fact naman kasi na wala naman nagbabasa ng blog ko noh
sa twing magbabasa ako ng mga entries nina Badoodles & Professional Heckler, natatawa ako. then nagiisip ako na kaya ko rin naman maging 'instructive' and 'funny' ang mga entries ko. pero walang pumapasok sa utak ko eh, hihi. i have so many ideas but then if i pour it all here, naku baka magkaron na ng katarata ang mga mata nyo pero di nyo pa rin magetz yun mga idea ko . i have always tried to write something, 'more personal' parang si Badoodles, who can talk about anything (from PG to R18) kaya lang natatakot naman ako na may makabasang kakilala ko and ipagkalat sa media ang nilalaman ng blog ko, wahahaha! (feelingera!) sa totoo lang takot lang ako na may makabasang malisyosong mata sa aking blog, thus it is much better na hayaan ko na lang na walang kwenta toh & ok lang na walang gaanong bumabasa at nagkakainteres sa blog ko, hihih.
these past few days, naging busy pala ako sa 'pag-a-advise or rather pakikialam sa problema ng may problema', . actually hindi ko alam bakit ko nga ba pinoproblema yun mga bagay na di ko naman dapat problemahin. i guess maybe because kapag naiinvolve ako sa isang issue, at nakakapagbigay ako ng aking 'opinion', that somehow makes me feel, IMPORTANT! i guess it is human nature na magpaka-feeling VIP. when someone asked me, ANO BA SA TINGIN MO ANG DAPAT KONG GAWIN?, umaandar na ang pagiging feeling magaling ko, as if tama talaga ang naisip kong solution para sa taong yun . i admit naman na feeling talaga ko pero meron naman ako mga reasons kung bakit ako nakikiinvolve sa kanila, haha.
1. yun kasi yun way ko to impart all the lessons that i've learned in the past. like for example sa lovelife (na madalas ako magmaganda), lagi ko sinasabi sa mga friends ko in a relationship or not, hindi tamang pinagsasabay ang karelasyon sa buhay, regardless of any reason you may have. simple lang, one at a time at hindi one at the same time. katwiran ko kasi sa buhay why stick to someone na di mo naman na pala feel, papahirapan mo lang yun sarili mo sa pagtatago & pagpepretend na masaya ka pa, eh yun pala hindi na. hindi pwedeng, 'try lang naman kung uubra', kasi pano kung umubra, e di kawawa naman yun #1 mo di ba. iwan mo muna yun karelasyon mo bago ka mag- dry run kumbaga. it happened to me, nasaktan ako knowing that he cheated on me and i just don't want that to happen to anybody na kakilala ko. alam ko kung gano kasakit dumaan sa passage na yun & it takes a hero nga daw to get out of that situation ng buo. and i am not a hero cause i got out bleeding and with bruises all over my ego.
2. sometimes kinakailangan ko silang pakialaman. am not justifying may pagiging mahadera or something but it is so apparent that they won't come up with something good to get out of their situation unless may makialam sa kanila, hehe. and of course i am more than willing na pakialaman sila, hahaha. parang i need to make some move so that they move their ass too. i have a friend who really needs a wake up call, ginising ko naman sya kaso lang sabi nga magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising (na lasing), haha. kaya ayun until now di kami naguusap ng friend ko sa simpleng dahilan na ginigising ko sya sa isang masakit na katotohanan, lols. there are times that it is necessary for someone to meddle kaya lang kung yun pinapayuhan mo o pinapakialaman mo is hindi kasing welcoming ng tulad ng inaasahan mo, then sorry ka na lang kasi sayang ang effort mo hehe..
3. last reason siguro, gusto ko lang talaga makialam, or siguro ito lang naman talaga ang dahilan bakit ako nakikialam, hahaha..pero in all honesty, ayoko rin pinapakialaman, i am sensitive din at ayoko hangga't maari na pinapayuhan. kasi feeling ko napaka-hopeless kong tao at kelangan ako iguide. maybe kaya ko napi-feel yun kasi yun ang tingin ko sa mga 'pinapakialaman' ko, hek hek hek.
in any case, whether i butt in or butt out (lol), minsan kahit gusto natin makatulong sa kapwa, mas advisable na manahimik na lang & wag na iexpress pa ang kung anumang nararamdaman mo sa buhay. kung anumang opinion mo sarilinin mo na lang kung may mga masasaktan lang.......PERO hanggang kailan ka kailangang manahimik? pano kung sa pakikialam mo pala mas mapabuti pa yung tao. pano kung dahil pinakialaman mo sya eh mas naging Ok ang buhay nya...
kayo hanggang saan kayo 'makikialam o magpapayo' sa ibang tao? kelangan ba may classification? kung friend mo pwedeng pabakla effect na pagpapayo pero kung officemate mo kelangan formal ang usapan? pwede ba tumanggi kung hinihingan ka ng advice? gano ka healthy ang unsolicited advice? hehehe..la lang ako magawa ayan kung san-san na napadpad ang tong entry ko, LMAO!
Day 2: Headstone
nung isang araw nagsleep over sa amin yun aking closest friend (don't want to call her BEST FRIEND, di kasi sya best, haha). naisipan kasi namin magpa-salon the next day. so nung paalis na kami, ready na sya para lumarga but ako hindi pa kasi nagluka-lukahan pa ko sa bahay. inaaway ko pa yun paco fish na pinagbibintangan kong ngumarag dun sa aking bagong biling fish, hmph! di ko alam yun tawag sa mga fishes ko, wahahaha! kalain mo yun?!
ay teka, naligaw na ko sa kwento, so yun nga since di pa ko ready, sabi nya 'OI UNA NA KO HA' then i answered her with 'SIGE SUNOD AKO'..then isang kalokohan este thought ang pumasok sa aking isipan..napapanood ko kasi sa TV, sa US ang mga nilalagay nila sa mga headstones are something like, A LOVING MOTHER, o kaya A FAITHFUL WIFE..eh kung ang ipalagay ko kaya sa tombstone ko 'PRE NAUNA NA KO, SUNOD KA NA LANG!' antaray di ba??
wala lang ayun naisip ko lang sya, ahahahaha!!! wala lang ako magawa matapos ang mahigit isang oras na staff meeting, i guess i needed a laugh ..how about u, given a chance, ano ang ipapalagay mo sa headstone mo?
ay teka, naligaw na ko sa kwento, so yun nga since di pa ko ready, sabi nya 'OI UNA NA KO HA' then i answered her with 'SIGE SUNOD AKO'..then isang kalokohan este thought ang pumasok sa aking isipan..napapanood ko kasi sa TV, sa US ang mga nilalagay nila sa mga headstones are something like, A LOVING MOTHER, o kaya A FAITHFUL WIFE..eh kung ang ipalagay ko kaya sa tombstone ko 'PRE NAUNA NA KO, SUNOD KA NA LANG!' antaray di ba??
wala lang ayun naisip ko lang sya, ahahahaha!!! wala lang ako magawa matapos ang mahigit isang oras na staff meeting, i guess i needed a laugh ..how about u, given a chance, ano ang ipapalagay mo sa headstone mo?
Day 1: Welcome to my life!!!
"Do you ever feel like breaking down? - Do you ever feel out of place? - Like somehow you just don't belong - And no one understands you"
wow, sa sobrang aliw ko sa mga nababasa ko na blog/vlog sa wordpress naisipan ko naman daw magregister dito, hehe. i have been blogging for quite some time na rin pero irregular (nye parang mens?!), the reason being is...TAMAD ako!
meron akong blog sa friendster, meron din sa blogdrive. gusto ko na nga sana idelete yun mga posts ko but then nagdadalawang isip ako, pinagpaguran ko rin yun noh ..heniweiz, let me try my very best to update my blog (although wala naman nagbabasa ) , for a change tapusin ko naman daw yun nasimulan ko, hehe
(i was trying to post a video, pero ayaw....ket kaya?!!)
Subscribe to:
Posts (Atom)